BLOGGER TEMPLATES? click here »

Sunday, August 17, 2008

saglit lang 'to.., tawa ka muna :-)


HOLDAPER

Isang gabi sa madilim na iskinata

holdaper:Pre holdap to, wag ka maingay, bigay ka kung ayaw mo pumutok baril ko sa likod mo

lalake:O-Opo sir.

holdaper:sige akin na ang cp,alahas at pera mo. (Nagbigay ang lalake)

holdaper:Bakit cp at alahas lang? Kailanagan ko rin ng pera......dali akin na!!

lalake:Sorry po wala ako ngayong pera sir eh

holdaper:Ganun,wala kang pera? Sige sa iyo nalang itong pera ko para may pera ka na. (kinuha ng lalake)

holdaper: "ngayon may pera ka na! HOLDAP TO AKIN NA YAN!!!"

Friday, August 15, 2008

Paagpapahalaga sa ating bayan at ng ating kultura ay siyang dapat nating pagtuonan, nang sa gayon, mapanatili ang kadakilaan ng ating bansa.

Malayo na ang nararating ng makabagong henerasyon sa ngayon, kaya tuloy nabubura na sa ating mga isipan ang mga kauri natin tulad ng iba't-ibang tribo, dahil na rin ito sa kawalan ng pagapapahalaga sa kanila.


imahe ng mga tribo:




Ang umayamnon, isa sa mga katutubong dapat nating bigyang pansin. Masasabi naming dapat natin silang ipagmalaki dahil may mga katangian silang hindi makita sa iba. sila ay may angking galing at talino...,tulad ng pagkakaroon ng talinto sa paggawa ng iba't-ibang disenyo ng mga kwintas at ang kanilang pagiging malikhain...Sila ay matatag sa kanilang mga desisyon at eksperto sila sa paggugubat. >kilalanin natin sila :


Thursday, August 14, 2008

Ang pinakamabisa o pinakamainam na paaran ang ginamit ng mga kolonyalistang Espanyol sa pannakop nila sa Pilipinas

Ang pinakamainam na pamamaraang ginamit ng mga Espanyol ay ang panghihikayat nila sa mga Pilipino na umanib sa relihiyong kristiyano. Ito ang dahilan nila sa kanilang pananakop, ang palitan ang paniniwala ng mga tao sa Pilipinas at gawing kristiyano ang relihiyon nito.

Malakas ang kapangyarihan ng mga Espanyol upang mapasailalim sa kanilang kamay ang mga Pilipino dahil na rin ito sa pagsunod sa kahit anong atas ng mga dayuhan. Itong paniniwala nila ay isang paraan sa kanilang kaligtasan kaya tuloy sumunod sila dito. May mga lugar na nasakop nila lalo na sa parte ng Visayas, dito nakisama sila sa mga Datu at ipinaliwanag sa kanila ang kristiyanismo. Dahil na rin sa tulong ng ating mga ninuno nadala sila sa mga sabi ng mga Espanyol, lalo na sa kanilang mga paniniwala. Ipinalabas nila na pag hindi sumunod ang mga Pilipino sa prayle ay magagalit sa kanila ang diyos at mapupunta sila sa impyerno, kaya yon ang nangyari. Sumunod sila dahil gusto nilang maligtas sa kahit anong mangyari.

Ang mga Espanyol ay natagumpay sa pagsakop dahil sa pagpapakilala ng kristiyanismong ito, na hanggang ngayon, ang bilang ng mga Kristiyano ay mahigit 85% sa relihiyong paniniwala. Nagtagumpay sila sa pagsakop sa lugar ng Luzon at Visayas ngunit sa Mindanao hindi nila nagtagumpay dahil andun ang mga Muslim na pinigilan ang mga espanyol sa pagsakop nito.


"most of the people convert and find 'happiness' in their new found religion, while the remaining are either killed or flee to the mountains, to be hounded by the Spaniards the rest of their lives."

Tuesday, July 29, 2008

Ang Umayamnon, kilalanin natin...



Umayamnon ang tawag sa mga taong nakatira malapit sa Ilog Umayam, dito hinangu ang kanilang pangalan, sa Lalawigan ng Bukidnon—isang probinsiyang napapalibutan ng kapatagan at kabundukan na makikita sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Sa heograpiyang lokasyon nito, masasabi natin na ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Bukidnon ay agrikultura, katulad ng pagtatanim at pangangalap nila ng sarili nilang pagkain, at ng kaingin o swidden na sistema sa agrikultura. Sa katunayan, itinuturing food basket ng Mindanao ang Bukidnon. Ito ay ang may pinakamalaking produksyon ng bigas at mais sa buong rehiyon at nagtatanim din sila ng pinya, saging, at tubo.

Kapansin-pansin din sa Bukidnon ang kagalingan ng mga nakatira doon sa paggawa ng hinabing damit.


Ang Lalawigan ng Bukidnon ay binubuo ng pitong tribu o hill tribes, ito ay ang Tala-andig, Higaonon, Umayamnon, Manobo, Tigwahanon, Matigsalug, at Bukidnon. Ang pitong tribung ito ay may sari-sariling pamamaraan ng pamumuhay ngunit mas tatalakayin natin dito ang pamumuhay at kultura ng mga Umayamnon.

Ang mga Umayamnon ay kilala sa pagiging maprensipyong tao, may paninindigan sa kanilang mga desisiyon, eksperto sa kagubatan, may kayumangging balat, saktong taas, at may mga prominenting buto sa pisngi.

Ang mga Umayamnon ay palipat-lipat ng lugar dahil nakadepende sila sa kapaligiran upang mabuhay. Kun ano ang matatagpuan nilang pagkain ay nakatutulong sa kanila ng malaki, halimbawa na lamang ng mais at iba pang halamang ugat. Para sa kanila, ang makakain ng tatlong beses sa isang araw ay isang napakamalaki't napakahalagang bagay, dahil karaniwang isang beses lang sa isang buong araw kung sila'y kumain.

Sa kabila ng ganitong uri ng pamumuhay, ang mga Umayamnon ay magagaling sa paggawa ng mga palamuti sa katawan, halimbawa ng ginakit at inaboy na mga uri ng kuwintas, suning o bag para sa mga kalalakihan ng kanilang tribu, at binuklad o bracelets. Ang lahat ng kanilang mga gawa ay nay kanya-kanyang desinyo na angkop sa ibig sabihin nito. Ang mga palamuting ito ay karaniwang yari sa kawayan o Chinese bamboo, at sinusuot nila ito dahil naniniwala sila na ang mga ito ay nagsisilbing palatandaan na sila'y nabibilang sa tribu ng Umayamnon. Sa katunayan, ang iba sa kanila, babae man o lalaki, ay hindi na gumagamit ng pang-itaas na kasuotan maliban sa mga palamuting ito.Sa mga paniniwala naman ng mga Umayamnon, kada isang taon, lahat ng kasapi sa tribu ay nagtitipon-tipon at sumasamba sila sa kanilang panginoon na idinadaos malapit sa Ilog Umayam na may kasamang alay na manok. Ang lahat ng pagtitipon ng tribu, kagaya ng nabanggit, ay pinangungunahan ng kanilangdatu o tribal chieftain. Ang datung ito ay siyang nangangasiwa sa buong tribu ng Umayamnon na binubuo ng humigit kumulang 101,906 katao.