BLOGGER TEMPLATES? click here »

Friday, August 15, 2008

Paagpapahalaga sa ating bayan at ng ating kultura ay siyang dapat nating pagtuonan, nang sa gayon, mapanatili ang kadakilaan ng ating bansa.

Malayo na ang nararating ng makabagong henerasyon sa ngayon, kaya tuloy nabubura na sa ating mga isipan ang mga kauri natin tulad ng iba't-ibang tribo, dahil na rin ito sa kawalan ng pagapapahalaga sa kanila.


imahe ng mga tribo:




Ang umayamnon, isa sa mga katutubong dapat nating bigyang pansin. Masasabi naming dapat natin silang ipagmalaki dahil may mga katangian silang hindi makita sa iba. sila ay may angking galing at talino...,tulad ng pagkakaroon ng talinto sa paggawa ng iba't-ibang disenyo ng mga kwintas at ang kanilang pagiging malikhain...Sila ay matatag sa kanilang mga desisyon at eksperto sila sa paggugubat. >kilalanin natin sila :


Thursday, August 14, 2008

Ang pinakamabisa o pinakamainam na paaran ang ginamit ng mga kolonyalistang Espanyol sa pannakop nila sa Pilipinas

Ang pinakamainam na pamamaraang ginamit ng mga Espanyol ay ang panghihikayat nila sa mga Pilipino na umanib sa relihiyong kristiyano. Ito ang dahilan nila sa kanilang pananakop, ang palitan ang paniniwala ng mga tao sa Pilipinas at gawing kristiyano ang relihiyon nito.

Malakas ang kapangyarihan ng mga Espanyol upang mapasailalim sa kanilang kamay ang mga Pilipino dahil na rin ito sa pagsunod sa kahit anong atas ng mga dayuhan. Itong paniniwala nila ay isang paraan sa kanilang kaligtasan kaya tuloy sumunod sila dito. May mga lugar na nasakop nila lalo na sa parte ng Visayas, dito nakisama sila sa mga Datu at ipinaliwanag sa kanila ang kristiyanismo. Dahil na rin sa tulong ng ating mga ninuno nadala sila sa mga sabi ng mga Espanyol, lalo na sa kanilang mga paniniwala. Ipinalabas nila na pag hindi sumunod ang mga Pilipino sa prayle ay magagalit sa kanila ang diyos at mapupunta sila sa impyerno, kaya yon ang nangyari. Sumunod sila dahil gusto nilang maligtas sa kahit anong mangyari.

Ang mga Espanyol ay natagumpay sa pagsakop dahil sa pagpapakilala ng kristiyanismong ito, na hanggang ngayon, ang bilang ng mga Kristiyano ay mahigit 85% sa relihiyong paniniwala. Nagtagumpay sila sa pagsakop sa lugar ng Luzon at Visayas ngunit sa Mindanao hindi nila nagtagumpay dahil andun ang mga Muslim na pinigilan ang mga espanyol sa pagsakop nito.


"most of the people convert and find 'happiness' in their new found religion, while the remaining are either killed or flee to the mountains, to be hounded by the Spaniards the rest of their lives."