Philippine presidents
The Philippine presidents flying in a plane.
puno hin kinaadman
Posted by _pakigb!sog_ at 4:49 PM 0 comments
Mula sa 7,107, ang
Dito rin sa
Simula noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay naging makasaysayan na ang naturang bayan. Dito matatagpuan ang Hill 522, ang lugar kung saan nagharap ang puwersa ng iilang nagkaisang mga bansa laban sa mga Hapon. Dito rin nakatayo ang cathedral na ginawang pansamantalang ospital ng mga sugatang mga sundalong Pilipino at mga Amerikano sa kasagsagan ng digmaan. At iyon pa ngang munumento ni Gen Macarthur ay dito rin itinayo, ang Gen. Douglas Macarthur Landing Memorial.
Makikita sa makasaysayang
Sa resort ay makikita ang bantayog ni Gen. Macarthur, at anim pang iba, na mas mataas pa ng 1.5 talampakan kaysa sa totoong tangkad ng heneral. Malapit naman sa kinatatayuan ng mga rebulto ay makikita rin ang bakas ng mga sapatos ng heneral noong una siyang umapak sa dalampasigan ng
Noong 1944, pinangunahan ni Gen. Douglas Macarthur ang pagsalakay sa mga Hapones na noo’y hawak ang Pilipinas. Ang pagsalakay na iyon ay nagsimula sa mismong kinatatayuan ng Gen. Douglas Macarthur Landing Memorial ngayon. Dito rin tinupad ni Gen. Macarthur ang kanyang pangako sa mga Pilipino na siya’y magbabalik.
Sa pagbabalik na iyon ng heneral ay nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipino na makamtan ang kalayaan mula sa mga Hapones, at ito nga’y nagkaroon ng katuparan. At ang bantayog na nakatayo sa Palo, Leyte sa kasalukuyan ay isang matibay na katibayan na ang lahat ng ito’y nagsimula sa isla ng
Posted by _pakigb!sog_ at 8:54 PM 0 comments