Umayamnon ang tawag sa mga taong nakatira malapit sa Ilog Umayam, dito hinangu ang kanilang pangalan, sa Lalawigan ng Bukidnon—isang probinsiyang napapalibutan ng kapatagan at kabundukan na makikita sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Sa heograpiyang lokasyon nito, masasabi natin na ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Bukidnon ay agrikultura, katulad ng pagtatanim at pangangalap nila ng sarili nilang pagkain, at ng kaingin o swidden na sistema sa agrikultura. Sa katunayan, itinuturing food basket ng Mindanao ang Bukidnon. Ito ay ang may pinakamalaking produksyon ng bigas at mais sa buong rehiyon at nagtatanim din sila ng pinya, saging, at tubo.
Kapansin-pansin din sa Bukidnon ang kagalingan ng mga nakatira doon sa paggawa ng hinabing damit.
Ang mga Umayamnon ay palipat-lipat ng lugar dahil nakadepende sila sa kapaligiran upang mabuhay. Kun ano ang matatagpuan nilang pagkain ay nakatutulong sa kanila ng malaki, halimbawa na lamang ng mais at iba pang halamang ugat. Para sa kanila, ang makakain ng tatlong beses sa isang araw ay isang napakamalaki't napakahalagang bagay, dahil karaniwang isang beses lang sa isang buong araw kung sila'y kumain.
Sa kabila ng ganitong uri ng pamumuhay, ang mga Umayamnon ay magagaling sa paggawa ng mga palamuti sa katawan, halimbawa ng ginakit at inaboy na mga uri ng kuwintas, suning o bag para sa mga kalalakihan ng kanilang tribu, at binuklad o bracelets. Ang lahat ng kanilang mga gawa ay nay kanya-kanyang desinyo na angkop sa ibig sabihin nito. Ang mga palamuting ito ay karaniwang yari sa kawayan o Chinese bamboo, at sinusuot nila ito dahil naniniwala sila na ang mga ito ay nagsisilbing palatandaan na sila'y nabibilang sa tribu ng Umayamnon. Sa katunayan, ang iba sa kanila, babae man o lalaki, ay hindi na gumagamit ng pang-itaas na kasuotan maliban sa mga palamuting ito.Sa mga paniniwala naman ng mga Umayamnon, kada isang taon, lahat ng kasapi sa tribu ay nagtitipon-tipon at sumasamba sila sa kanilang panginoon na idinadaos malapit sa Ilog Umayam na may kasamang alay na manok. Ang lahat ng pagtitipon ng tribu, kagaya ng nabanggit, ay pinangungunahan ng kanilangdatu o tribal chieftain. Ang datung ito ay siyang nangangasiwa sa buong tribu ng Umayamnon na binubuo ng humigit kumulang 101,906 katao.
Kapansin-pansin din sa Bukidnon ang kagalingan ng mga nakatira doon sa paggawa ng hinabing damit.
Ang Lalawigan ng Bukidnon ay binubuo ng pitong tribu o hill tribes, ito ay ang Tala-andig, Higaonon, Umayamnon, Manobo, Tigwahanon, Matigsalug, at Bukidnon. Ang pitong tribung ito ay may sari-sariling pamamaraan ng pamumuhay ngunit mas tatalakayin natin dito ang pamumuhay at kultura ng mga Umayamnon.
Ang mga Umayamnon ay kilala sa pagiging maprensipyong tao, may paninindigan sa kanilang mga desisiyon, eksperto sa kagubatan, may kayumangging balat, saktong taas, at may mga prominenting buto sa pisngi.Ang mga Umayamnon ay palipat-lipat ng lugar dahil nakadepende sila sa kapaligiran upang mabuhay. Kun ano ang matatagpuan nilang pagkain ay nakatutulong sa kanila ng malaki, halimbawa na lamang ng mais at iba pang halamang ugat. Para sa kanila, ang makakain ng tatlong beses sa isang araw ay isang napakamalaki't napakahalagang bagay, dahil karaniwang isang beses lang sa isang buong araw kung sila'y kumain.
Sa kabila ng ganitong uri ng pamumuhay, ang mga Umayamnon ay magagaling sa paggawa ng mga palamuti sa katawan, halimbawa ng ginakit at inaboy na mga uri ng kuwintas, suning o bag para sa mga kalalakihan ng kanilang tribu, at binuklad o bracelets. Ang lahat ng kanilang mga gawa ay nay kanya-kanyang desinyo na angkop sa ibig sabihin nito. Ang mga palamuting ito ay karaniwang yari sa kawayan o Chinese bamboo, at sinusuot nila ito dahil naniniwala sila na ang mga ito ay nagsisilbing palatandaan na sila'y nabibilang sa tribu ng Umayamnon. Sa katunayan, ang iba sa kanila, babae man o lalaki, ay hindi na gumagamit ng pang-itaas na kasuotan maliban sa mga palamuting ito.Sa mga paniniwala naman ng mga Umayamnon, kada isang taon, lahat ng kasapi sa tribu ay nagtitipon-tipon at sumasamba sila sa kanilang panginoon na idinadaos malapit sa Ilog Umayam na may kasamang alay na manok. Ang lahat ng pagtitipon ng tribu, kagaya ng nabanggit, ay pinangungunahan ng kanilangdatu o tribal chieftain. Ang datung ito ay siyang nangangasiwa sa buong tribu ng Umayamnon na binubuo ng humigit kumulang 101,906 katao.
2 comments:
For a person who rarely visits Bukidnon, your blog entry is a revelation for me. The picture of the woman dressed in her ethnic costume is stunning. However, I was expecting more content or explanation as to their way of life and the challenges they confront in this modern day. I'm also expecting for the group to include a success story regarding a Umayamnon. The layout is really promising however, you have to explain why you choose it. I think it's also important for you to have a theme for your group. "Umalohokan" is a history-teller, a herald so to speak. Your theme should be more about the concept of "his-story telling".
I expect more improvement the next time I will visit your site. Feel free to comment or react and include changes.
Your group's score for this entry is 15.5/20 or 2.0.
gud am po..hihingi lng po sana kami ng permiso pra gamitin ang blog mo pra reference ng thesis namin...salamat..at request po kung may information ka pa po about sa mga umayamnun, isali mo nlng po sa blog mo.slamat..gud day.
Post a Comment