Philippine presidents
The Philippine presidents flying in a plane.
puno hin kinaadman
Posted by _pakigb!sog_ at 4:49 PM 0 comments
Mula sa 7,107, ang
Dito rin sa
Simula noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay naging makasaysayan na ang naturang bayan. Dito matatagpuan ang Hill 522, ang lugar kung saan nagharap ang puwersa ng iilang nagkaisang mga bansa laban sa mga Hapon. Dito rin nakatayo ang cathedral na ginawang pansamantalang ospital ng mga sugatang mga sundalong Pilipino at mga Amerikano sa kasagsagan ng digmaan. At iyon pa ngang munumento ni Gen Macarthur ay dito rin itinayo, ang Gen. Douglas Macarthur Landing Memorial.
Makikita sa makasaysayang
Sa resort ay makikita ang bantayog ni Gen. Macarthur, at anim pang iba, na mas mataas pa ng 1.5 talampakan kaysa sa totoong tangkad ng heneral. Malapit naman sa kinatatayuan ng mga rebulto ay makikita rin ang bakas ng mga sapatos ng heneral noong una siyang umapak sa dalampasigan ng
Noong 1944, pinangunahan ni Gen. Douglas Macarthur ang pagsalakay sa mga Hapones na noo’y hawak ang Pilipinas. Ang pagsalakay na iyon ay nagsimula sa mismong kinatatayuan ng Gen. Douglas Macarthur Landing Memorial ngayon. Dito rin tinupad ni Gen. Macarthur ang kanyang pangako sa mga Pilipino na siya’y magbabalik.
Sa pagbabalik na iyon ng heneral ay nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipino na makamtan ang kalayaan mula sa mga Hapones, at ito nga’y nagkaroon ng katuparan. At ang bantayog na nakatayo sa Palo, Leyte sa kasalukuyan ay isang matibay na katibayan na ang lahat ng ito’y nagsimula sa isla ng
Posted by _pakigb!sog_ at 8:54 PM 0 comments
Itong kanilang mga nais at layunin ay ipinabatid nila sa pamamagitan ng kanilang mga dila at mga panulat. Gumawa sila ng mga nobela (Noli Me Tangere at El filibusterismo ni Rizal), Diyaryo (Revista del Circulo Hispano-Filipino at La Solidaridad), mga tula (sampaguitas) at marami pang iba na nagpapatunay lamang na ang tanging nais ni Rizal at ng iba pang mga Ilustrado ay ang mapayapang kilusan tungo sa pagbabago. Katunayan, nang nasa Dapitan na si Rizal bilang bilanggo nagpadala si Bonifacio ng isang tao upang hikayatin ang suporta nito sa rebolusyon. Tinanggihan ito ni Rizal dahil ayon sa kanya hindi handa sa madugong labanan ang mamamayang pilipino.
>para sa amin, tama lang ang ginawa ni Rizal kasi hindi man siya sumuporta sa Rebolusyong isinulong nina Bonifacio ang kanyang mga likha ang nagbigay lakas at nagpamulat sa mga pilipino sa kanilang mga karapatan na dapat nilang tamasain sa kanilang sariling bansa, ang PILIPINAS!
Posted by _pakigb!sog_ at 8:09 PM 0 comments
Posted by _pakigb!sog_ at 5:13 PM 2 comments
Ang malaking pagkakapareho sa pagitan ng bagong Republika ng Bangsamoro ngayon, at ng mga Muslim noong panahon ng mga Espanyol ay ang kanilang pakikibaka para sa kanilang kalayaan. Ang mga muslim noon ay nakipaglaban sa pananakop ng mga Espanyol, habang ngayon naman ay naghahanap parin ng paraan ang bagong Republika ng Bangsamoro upang makamtan nila ang kanilang ganap na kalayaan mula sa gobyerno ng Republika ng Pilipinas.
Bago natin pag-usapan kung papaano naipabatid o nailarawan ng bagong Republika ng Bangsamoro, sa mga pilipino ngayon, ang mga paghihirap ng mga Muslim laban sa pananakop ng mga Espanyol, balikan muna natin ang mga nangyari noon.
Sa panahon ng kolonyalismo, ang ginawa ng mga Espanyol ay hindi lamang pagpapatupad ng mga batas na nagdala sa politika ng mga pilipino sa pagbagsak, at pag-angkin ng mga likas na yaman ng Pilipinas. Sinubukan din nilang maangkin ang pagkilala ng mga Muslim sa kanilang kapangyarian sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sundalo sa katimugamg bahagi ng Pilipinas na nagdulot ng marahas at madugong digmaan.
Pero sa kabila ng mga pagtatangkang ito ng gobyerno ng mga Espanyolna masakop ang mga Muslim, ang sabi ng kasaysayan ay kailanman, ni isa man dito ay hindi nagtagumpay.
Bakit kaya?
Ang sagot ay napakasimple. kasi ayaw noonb ng mga Muslim na mapasailalim sa pamumuno ng mga Espanyol. Tumanggi sila sa, ayon sa kanila'y, mga kasinungalingan ng gobyerno ng Espanya kasi mayroon naman silang sariling pamunuan na inirerespeto at pinakatatangi.
Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga Muslim sa Mindanao, sa arkipelago ng sulu at Tawi-Tawi, at sa mga isla ng Basilan at Palawan, ay mayroon ng sariling estado at gobyerno na may kaugnayang pangkalakal sa ibang bansa kabilang na ang Tsina. Ito ang naging dahilan kung bakit naging interesado ang mga Espanyol sa katimugan ng Pilipinas, at ito rin ang naging dahilan kung bakit kinailangan ng mga Muslim ang lumaban sa lahat na mga ginawa ng mga kolonyalista, sa militar man o sa misyonaryo, na may tungkuling pabagsakin ang buong Mindanao at Sulu sa kanilang mga kamay.
Pero paano lumaban ang mga Muslim sa mga Espanyol?
Lumaban ang mga Muslim sa mga Espanyol gamit ang pinagbuklod-buklod na lakas ng Islam. Nakatulong din sa kanila ang pagkakaroon ng matatag na administrasyon at politika kaya napanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan (politikal at sosyal) at kalayaan.
At iyon ang kuwento kung paano nakibaka ang mga Muslim laban sa mga mananakop. Ngayon naman, pag-usapan natin ang kung anu-ano na ang mga nangyayari sa mga Muslim sa kasalukuyan at kung papaano nila naipapakita ang paglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol noon.
Ang mga Muslim ng bagong henerasyon ay tinatawag na Bangsamoro.
Bakit Bangsamoro? Ano ba ang ibig sabihin ng salitang Bangsamoro?
Ang Bangsamoroay binubuo ng dalawang salita: "bangsa" at "moro". Ang salitang "bangsa" ay isang salitang Malay na ang ibig sabihin ay isang nasyon o bansa, abang ang "moro" naman ay hango sa pangalang ibinigay ng mga kolonyalistang Espanyol sa mga Muslim noon na nasa Mindanao. Ito rin ang pangalang ibinigay nila sa mga Muslim sa H. Africa. Kung gayon, ang ibig sabiin ng "Bangsamoro" ay ang pagkakakilanlan ng mga Muslim sa Mindanao, kabilang na ang mga isla ng Basilan at Palawan, at ang arkipelago ng Sulu at Tawi-Tawi, bilang isang estado.
Ang salitang "bangsamoro" ay unang ginamit at pinalaganap ng mga liberation fronts na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa kalayaan bilang pagpapakita ng kanilang karapatan sa sariling pagkakakilanlan.
Ang mga taong bumubuo sa Bangsamoro ay patuloy na naghahangad na makamtan ang kanilang kalayaan ngunit ngayon ay hindi na laban sa mga Espanyol kundi laban sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas. Ito ay sa dahilang, ayon sa kanila'y, ilegal at imoral na paguugnay ng kanilang teritoryo sa Republika ng Pilipinas noong 1946 na ginawa daw kahit wala ang kanilang pormal na pahintulot. Sa katunayan, dahil dito'y, marami nang pag-aalsa o pagkilos ang ginawa ng mga Muslim na may hangaring makamtan ang tunay na kalayaan.
Ilan sa mga pagkilos na ito ay: a) ang armadong protesta nini Kamlon, Jikiri, at Tawan-Tawan laban sa labag sa batas na pagbale-wala sa kanilang pngkalahatang karapatan bilang isang kumunidad, b)ang House Bill 5682 ni Cong. Ombra Amilbangsa na ipinasa sa ikaapat na sesyon ng ikaapat na kongreso, na may pangunahing layuning makuha o makamtan ang pagkilala sa kalayaan ng Sulu, c)ang Mindanao Independence Movement (MIM) Manifesto, na pinangunahan ng gobernador ng probinsiya ng Cotabato, si Datu Uldog Matalam, na naglalayong makamtan ang ganap na kalayaan ng Mindanao at Sulu, at makilala o kilalanin ito bilang Republika ng Mindanao at Sulu, at d)ang pagbuo ng Moro National Liberation Front (MNLF) para sa pagsulong ng armadong pakikibaka para sa kalayaan, dahil sa paniniwala ng mga Muslim na hindi na posibleng makamtan nila ang kalayaan sa loob ng pambansang panggobyernohang sistema ng Pilipinas.
Pero dumating ang panahon na tinanggap ng Mnlf ang pagiging kabilang nila sa Gobyerno ng Pilipinas. Sa hakbang na ito na ginawa ng MNLF, mayroong mga kaanib ng organisasyon ang hindi sumang-ayon at tumiwalag, at nagbigay daan sa pagkabuo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagpatuloy sa pamamaraan at hangarin ng dating MNLF.
Ang MILF ngayon ay patuloy na nakikipaglaban sa mga puwersa ng gobyerno para sa kanilang karapatan sa sariling pagkakakilanlan na idinadaan nila sa sandaatang pag-aalsa na nagdulot ng digmaan, pagkasira ng mga komunidad at pagkamatay ng libu-libong sibilyan.
Kahit nagkaroon na ng pangkapayapaang kasunduan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at Moro National Liberation Front noong 1996, hindi parin nito naresulba ang problema, at makalipas ang apat na taon, noong 2000, naglunsad ng all-out war laban na sa MILF.
Posted by _pakigb!sog_ at 4:11 AM 0 comments
Dahil sa iba't-ibang ginagawa ng mga Espanyol, may mga Pilipino naring nalito sa kung ano ang kanilang dapat gawin kaugnay sa pananakop ng mga ito.
Sa kabuuan, ang ginawa ng mga Pilipino ay:
a)Pagtakas o Escape
Dahil sa sobrang pangungulekta ng buwis at paggamit ng mga Espanyol sa katutubong Pilipino, napilitan ang iba sa kanila na iwan ang kanilang nakalakhang tahanan at magpakalayo tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng mga Espanyol. Sila ang iilan na nagawang maipanatili ang tunay na kultura ng mga Pilipino na naging dahilan upang sila'y maging kakaiba sa paningin ng iba
b)Pagtanggap o Acceptance
Dahil sa takot sa maaring gawin sa kanila ng mga Espanyol, napilitang tanggapin ng mga katutubong Pilipino ang lahat ng mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang pwersahang pagseserbisyo, na kilala sa tawag na polo y servicious, kahit nangangahulugan iyong mawawalay sila sa kanilang pamilya. Tinanggap rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol: ang pagkakaroon ng mga piyesta at iba pang magastos na selebrasyon, ang pagbabago ng klase ng kanilang pananamit, at pagpapalit ng kanilang mga katutubong pangalan sa mga pangalang hango sa mga salitang Espanyol.
c)Paglaban o Resistance
Nang mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema ng pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng loob na kalabanin ang mga ito. Nagsagawa sila ng mga rebolusyon, walang takot nilang hinarap ang mga Espanyol kahit alam nilang wala silang laban dito dahil sa mga makabagong kagamitang pandigma na gamit nila.
Isa sa mga rebolusyong ito ay ang rebolusyong Sumuroy.
Posted by _pakigb!sog_ at 12:37 AM 2 comments
Posted by _pakigb!sog_ at 12:28 AM 2 comments
Paagpapahalaga sa ating bayan at ng ating kultura ay siyang dapat nating pagtuonan, nang sa gayon, mapanatili ang kadakilaan ng ating bansa.
Malayo na ang nararating ng makabagong henerasyon sa ngayon, kaya tuloy nabubura na sa ating mga isipan ang mga kauri natin tulad ng iba't-ibang tribo, dahil na rin ito sa kawalan ng pagapapahalaga sa kanila.
imahe ng mga tribo:
Ang umayamnon, isa sa mga katutubong dapat nating bigyang pansin. Masasabi naming dapat natin silang ipagmalaki dahil may mga katangian silang hindi makita sa iba. sila ay may angking galing at talino...,tulad ng pagkakaroon ng talinto sa paggawa ng iba't-ibang disenyo ng mga kwintas at ang kanilang pagiging malikhain...Sila ay matatag sa kanilang mga desisyon at eksperto sila sa paggugubat. >kilalanin natin sila :
Posted by _pakigb!sog_ at 10:06 PM 0 comments
Posted by _pakigb!sog_ at 7:13 AM 1 comments
Ang Lalawigan ng Bukidnon ay binubuo ng pitong tribu o hill tribes, ito ay ang Tala-andig, Higaonon, Umayamnon, Manobo, Tigwahanon, Matigsalug, at Bukidnon. Ang pitong tribung ito ay may sari-sariling pamamaraan ng pamumuhay ngunit mas tatalakayin natin dito ang pamumuhay at kultura ng mga Umayamnon.
Ang mga Umayamnon ay kilala sa pagiging maprensipyong tao, may paninindigan sa kanilang mga desisiyon, eksperto sa kagubatan, may kayumangging balat, saktong taas, at may mga prominenting buto sa pisngi.Posted by _pakigb!sog_ at 10:11 PM 2 comments